Coco at manager, hiwalay na raw talaga


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

September 3, 2025 | 12:00am

Ahh confirmed pala na hindi na nga hawak ng talent manager na si Biboy Arboleda si Coco Martin.

Ang narinig kong kuwento ay marami raw talagang mga argumento ang dalawa.

Kumakalat ang intrigang may kinalaman sa pera ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Pero itinanggi ito ni Coco sa mga lumabas niyang interview.

Tho ang bottomline nga ay hiwalay na sila at kanya-kanya na ng landas.

Na wala namang sigurong masama dahil ganun naman, walang forever.