September 5, 2025 | 12:00am
Hindi nagsasalita sina Coco Martin at Biboy Arboleda tungkol sa isyung pagtatapos ng kanilang management contract.
Kaswal lang at natawa si Coco nang tinanong siya tungkol dito. Okay naman daw sila at tsismis lang daw ‘yun.
Pero patuloy pa ring pinag-uusapan ang isyu nilang dalawa, at karamihan sa naririnig namin ay may kinalaman daw sa Bureau of Internal Revenue.
Hindi ganun kadetalyado, kaya mahirap magkuwento. Pero nagkaroon daw ng hindi pagkakaintindihan sa kanilang dalawa.
Pero may ilang kaibigan si Biboy na nagsasabing maayos naman daw ang kanilang pag-uusap at magkaibigan pa rin daw sila.
Ang ibig sabihin kaya nito ay talagang wala na si Coco sa kuwadra ng mga talent na hina-handle ni Biboy?
Sa status ngayon ni Coco, kaya na niyang i-manage ang sarili at puwede pa siyang mag-manage ng mga talent.
Pero may mga kuwento lang naglulutangan at patuloy pa ring pinag-uusapan. Pero pawang haka-haka pa lamang ito, dahil wala namang may nagsasalita sa kanilang dalawa.
Maliit lang ang showbiz, naniniwala kaming magkakaayos din sila at tuloy pa rin ang kani-kanilang career, sana tuloy pa rin ang magandang friendship sa bawat isa.
Ely, pumayag maging single father
Isang seryosong aktor ang dating ni Ely Buendia sa lumabas sa isang Cinemalaya entry na pinamagatang Padamlagan (Night Light) ni Jenn Romano.
Si Ely ang bida sa pelikulang ito na Bicolano ang dialogue sa kabuaan ng pelikula.
Tubong Naga, Camarines Sur pala si Ely. “It’s a story about the Peñafrancia disaster in Naga City,” pakli ni Ely nang makatsikahan namin sa presscon ng Cinemalaya 21.
“The Colgante Bridge disaster. It’s a period drama set in 1972. It has an all-Bicolano cast, almost all-Bicolano crew. It’s a real Bicolano production,” dagdag niyang pahayag.
Maganda raw ang kuwento at pagbabalik na rin daw sa pagiging Bicolano niya.
“Mostly the story, because it’s a true-to-life story. It has something to do with Naga City, and I was born in Naga City.
“Parang return to my roots, so, that’s why I accepted the project.
“My character is a very conscientious person. He’s a single father. And he struggles emotionally and mentally to find his lost son,” sabi pa ni Ely.
Nag-aral naman si Ely ng Film sa UP (University of the Philippines) at ang iba ngang katrabaho niya sa pelikulang ‘yun ay kaibigan niya.
Pero siyempre naninibago siya at kakaibang challenge ito sa kanya.
“Every scene was mahirap because it was my first, parang lead role. And it’s a dramatic role.
“But I’m glad that the filmmakers were very supportive and very understanding. And I tried to give my best,” tugon nito.
Doon sa Naga at ilang bahagi ng Camarines Sur sila nag-shoot at nagpasalamat sila dahil sinuportahan naman sila ni Mayor Leni Robredo roon.
Nung nag-courtesy call nga raw sila ay kauupo pa lamang ni Mayor Leni sa kanyang tanggapan bilang alkalde ng Naga. Pero nag-alok daw siya ng tulong sa kanilang production.
Hiningan na rin si Ely ng sarili niyang opinyon sa mainit ng isyu ng flood control.
Aminado siyang very vocal siya sa ilang isyung political.
Aniya, “I don’t wanna, you know, be all-political but I think it’s an injustice lang to the people, especially the taxpayers.
“I pay my taxes. So it’s a shame, so I hope that there will be justice for the people. That’s all I can say.”
May mga political film kasi sa ilan sa mga entry ng Cinemalaya, kaya napapag-usapan ito sa presscon noong Miyerkules.
Kaya natatanong ito sa ilang mga artistang nagbibigay ng opinyon nila sa isyung ito.
Si Jackie Lou Blanco ay may dalawang pelikulang kasali rito, ang Paglilitis ni Cheska Marfori at Raymund Barcelon at ang Open Endings nina Nigel Santos at Keavy Vicente.
Ang sabi lang ni Jackie Lou sa nangyayari sa atin ngayon, “It’s sad. I’m saddened about it. Because you think na okay it’s happened when I’m much younger. I’m already in my 60s and it’s still happening.
“So, parang anong nangyayari. Do we have bloody revolution for us to wake up? Do we need to be more prayerful? Do we need to be more vigilant, ‘di ba?
“Nakakalungkot. Kasi iniisip mo, paano na ‘yung mundo ‘pag lumaki na sila.
“Kakayanin ba nila, ‘di ba? To live in the world like that.
“Kaya nga I can understand some couples that don’t want to have children, because they are disappointed with what’s happening. So, huwag na lang. Tayo na lang, kasi kaya natin. Paano sila, ‘di ba?
“It’s very difficult to raise children during our times now,” saad ni Jackie Lou Blanco.
