Creamline babawi sa PVL Invitational Conference


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

August 16, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines —  Mula sa pagkakasibak sa semifinals ng 2025 Premier Volleyball League (PVL) on Tour ay inaasa­hang babawi ang Creamline sa darating na Invitatio­nal Conference.

Idedepensa ng Cool Sma­shers ang kanilang ko­rona sa PVL Invitational Conference na hahataw sa Agosto 21 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

“Siyempre, everyday da­pat talaga nakapag-fo­cus kayo sa training kasi tra­baho ‘yan. Hindi naman basta laro lang. Give mo ‘yung 110% sa training,” wi­ka ni Creamline coach Sher­win Me­neses.

Natalo ang Creamline sa PLDT, 25-27, 25-22, 25-19, 16-25, 10-15, sa ka­nilang knockout semifinals match noong Martes.

Inamin ni Meneses na nagkumpiyansa ang Cool Smashers sa kanilang du­­welo ng High Speed Hit­ters.

“Hindi puwedeng magpabaya kasi ‘yung ibang team talagang malalakas na ngayon. Pero ‘yung team naman, pataas din. So, let’s see lang sa mga susunod,” ani Meneses.

Bukod sa Creamline at PLDT ay maglalaro rin sa PVL Invitational Confe­rence ang Chery Tiggo at Cignal HD.

Makakasama nila sa In­vitational ang dalawang fo­reign guest teams na Ku­rashiki Ablaze at Kobe Shinwa University ng Japan.