Ang gandang pagmasdan ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla na magka-holding hands na naglalakad sa lobby ng Solaire North after ng ABS-CBN Ball. Nagtatawanan sila at curious ang fans kung ano ang kanilang pinag-uusapan na sa sobrang tawa nga ni Daniel, napaliyad pa.
Nagpalit ng sapatos ang mag-ina, si Karla naka-rubber shoes at si Daniel, parang tsinelas na ang suot. Ang biruan ng fans, at least, may ka-holding hands that night ang favorite nilang aktor at hindi nagsolo na umuwi.
Nagkita ba sina Daniel at Kathryn Bernardo sa party? Mukhang hindi ‘yun nangyari dahil walang balita at sa laki ng ballroom ng Solaire, malabo silang magkita.
Napansin lang ng fans na pareho ang color ng mga suot nina Daniel at Kathryn, ang ganda raw sana kung sabay silang rumampa.
Samantala, araw-araw may pa-Twitter party ang fans ni Daniel to celebrate his 30th birthday on April 26. Nagsimula ang Twitter party nila noong Apr. 1 at magtatapos sa birthday ng aktor.
Everyday, may theme sila na pinapa-trend para raw maiba at maging memorable ang birthday this year ni Daniel.
Lucy, napa-react sa hitsura ni Heart
Dumalo sina Senate President Chiz Escudero at Heart Evangelista sa ABS-CBN Ball and as usual, pinag-usapan na naman ang suot niya na gawa pala ng Schiaparelli. “Casual, darling @schiaparelli” lang ang sinabi nito at isa sa mga unang nag-comment ay si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez. Sabi ni Lucy, “Beautiful” na sinagot ni Heart ng “Thank you Madame.”
Galing sa Greece si Heart, dumalo sa Ulthera event bago ang ABS-CBN Ball. Hindi raw uso ang jet lag sa kanya at comment nga ng hairstylist nito, “You never run out of beauty and elegance.”
Pinuri ang pagiging simple ng ayos ni Heart niya sa dalawang event na iisa ang suot na gown, wala siyang masyadong jewelry, pero ramdam ang pagiging high class, elegante and fashionable. Ang ganda ng description kay Heart na “Muted but powerful.” For her supporters, si Heart ang best dressed that night.
Zia, lumantak ng sardinas!
Pinuri ng netizens sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil tinuturuan daw ang mga anak na hindi sa lahat ng oras ay kailangang sosyal ang kanilang pagkain. Dahil ito sa lumabas na larawan na kumakain si Zia ng ginisang sardinas ang ulam.
Walang larawan si Sixto na kumakain ng sardinas, pero sigurado ang netizens na kumakain din ang bagets. Lalaki raw ang dalawa na mababait at humble dahil sa paraan ng DongYan kung paano sila palakihin.
