October 10, 2025 | 12:00am
Ay ikinasal na pala ang dating Miss Universe Philippines Beatrice Gomez.
Yup, ikinasal ang Cebuana beauty sa musician na John Odin sa isang intimate ceremony sa La Union.
Public knowledge na gumawa ng kasaysayan bilang unang miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community na kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 si Beatrice at lumaban sa Miss Universe na ginanap last December sa Eilat, Israel at napasali pa sa Top 5.
