David Licauco, inaabangan sa pagiging pari!


From Japanese soldier to parish priest real quick!

Matapos ngang bihagin ni David Licauco ang viewers sa karakter niya bilang Hiroshi Tanaka sa Pulang Araw, mapapanood naman siya bilang kura paroko sa upcoming film na Samahan ng mga Makasalanan.

Sa inilabas na teaser photo ng GMA Pictures, may caption ang photo ni David na: “Kung si David Licauco ang magdadala sa ‘yo sa tamang daan, sasama ka ba?”

Syempre, ang netizens, ‘di nagpahuli sa mga witty comment.

Say ng isa: “Father, I do” habang kinikilig namang comment ng isang netizen: “Pag ganito ka guwapo ang Pari jusko araw-araw ako nasa simbahan.”

Sa April 19 ang playdate ng nasabing pelikula. Kabilang sa cast sina Euwenn Mikaell, Joel Torre, Sanya Lopez, Jay Ortega, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Buboy Villar, Liezel Lopez, at marami pang iba.