MANILA, Philippines — Positibo ang pagtanggap ng Capital1 Solar Energy sa sistema ni Brazilian coach at Alas Pilipinas mentor Jorge Souza de Brito para sa kanilang kampanya sa 2025 PVL on Tour.
Si de Brito ang pumalit kay Roger Gorayeb na itinalagang team consultant ng Solar Spikers.
“Sobrang nagta-trust lang kami talaga sa bagong system, and all of us are adjusting also sa new system. So it’s a challenge talaga for us, pero we’re very up to the challenge,” sabi ni Capital1 team captain at libero Roma Mae Doromal.
Bigo ang Solar Spikers sa una nilang dalawang laro sa PVL on Tour sa Vigan, Ilocos Sur.
Ito ay dahil na rin sa kasalukuyang pamamahala ni de Brito sa training ng Alas Pilipinas kasama sina Capital1 outside spiker Leila Cruz at top draft pick Bella Belen.
Yumukod ang Solar Spikers sa Creamline Cool Smashers, 10-25, 21-25, 10-25, bago natisod sa Cignal HD Spikers, 21-25, 22-25, 16-25.
“So far, super happy kami and happy kami na madami kaming nakita na kailangan i-improve. And super optimistic lang din kami in the future games na we know na ‘yung system ni coach Jorge (de Brito) naging effective for us,” wika ni Doromal.