De Brito may program para sa Alas


MANILA, Philippines — Handa si Brazilian head coach Jorge Souza de Brito na ibahagi ang lahat ng nalalaman nito upang mas lalo pang maging solido ang Alas Pilipinas squad para sa mga susunod na international tournaments.

Solido na ang resulta ng Alas Pilipinas na kama­kailan lamang ay nakasungkit ng podium finish sa mga international tournaments.

Nakapilak ang Alas Pilipinas sa 2025 AVC Volleyball Nations Cup habang may tanso ito sa 2025 VTV Cup.

Kaya naman walang duda na nasa tamang direksiyon ang Alas Pilipinas na inaasahang mas magi­ging solido pa ang laro sa mga susunod na buwan at taon.

Umangat na rin sa FIVB world rankings ang Alas Pilipinas na kasalukuyan nang nasa No. 46 sa mundo.

Nais ni De Brito na ma­panatiling intact ang kanyang koponan na hahasain para sa mga susunod na international competitions.

“It’s the chemistry that we need. It comes with more time, how much more we play together, how much more good games in the high level that we’ll have, and the more we’re gonna grow,” ani De Brito.

Maganda ang international exposure ng koponan dahil mas nagiging solido ang chemistry ng mga players at nasasanay ang mga ito sa mataas na lebel na laro.

Ito ang programang ginagamit ng mga national teams sa iba’t ibang bansa gaya ng powerhouse Thailand na sumasabak sa malalaking international events.

“We had some good matches in Vietnam against Russia, against host Vietnam. The level we started in those games is from here high level,” ani De Brito.

Magandang exposure ang makaharap ang mala­lakas na tropa gaya ng Russia at Vietnam dahil mas tumataas ang kumpiyansa ng mg aplayers.

“We have to maximize our potential to play against these teams so we have to bring them all the time. We were there with only one opposite so we need to put some other players to fill the position,” dagdag ni De Brito.