February 25, 2025 | 12:00am
60 years old na ngayon ang Diamond Star Maricel Soriano at gaganapin ang kanyang birthday piging sa Araneta Coliseum. In fairness kay Marya, napanatili niya ang maayos na presentasyon sa publiko. May premium pa rin siya sa acting.
Ano pa kaya ang puwedeng gawin ni Maricel para top of mind siya at magka-major box office appeal muli? Sayang kasi hindi masyadong pumalo sa takilya ang huli niyang pelikula with Roderick Paulate. Sana makahanap ng panibagong push si Marya kahit sa YouTube channel niya.
Happy 60th Miss Marya!
KathNiel reconciliation, nagpapa-excite sa fans
Totoo bang nagkabalikan na ang KathNiel? Totoo ba?
Lahat na lang na eexcite!!!
Nag-uusap na raw ulit sila!!! Talaga?
Mahal pa rin ba nila ang isa’t isa? Mukha!!!
Paano na kaya si Alden?
Nanligaw nga ba?
Anyare na?
Mukhang busy silang lahat : Si Kath sa Pilipinas Got Talent at sa pelikula. Si Daniel may Incognito. Si Alden may reality dance show daw.
Ganu’n na lang muna.
Slay, powerhouse cast?
Ang tawag nila ay powerhouse cast — pero bigatin ba talaga ito for the upcoming Kapuso murder mystery series Slay as a co-production sa Viu — with Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose , Ysabel Ortega , Mikee Quintos, Derrick Monasterio, Royce Cabrera, Jay Ortega, Phoemela Baranda, Bernard Palanca, Tina Paner, Matet de Leon, James Blanco, Chuckie Dreyfus, and Simon Ibarra, directed by Rod Marmol & Jules Katanyag.
Na excite ba kayo sa line up?
Kisapmata at Bagets, bubuhayin sa teatro
Panahon na ngayon din ng mga pelikula ba ginagawang theater pieces. This March, gagawin na ang Kisapmata ng Tanghalang Pilipino. Ang Bagets, The Musical ay joint venture ng Viva at Philippine Star events. Magbabalik din ang Barboys from Barefoot Theatre Collective. Tapos heto na — ang pelikula ni Giancarlo Abrahan na Dagitab ay gagawin para sa teatro ng bagong grupong Scene Change with Agot Isidro, Elijah Canlas, Gio Gahol, Jojit Lorenzo, at Sam Samarita. Bakit buhay na buhay ang dula? Paano na ang pelikula?
Kaya ba ito na formula — materyal na pelikula na ginagawang dula? Interesting ‘di ba? Kahit mas mahal ang ticket ng teatro, tinatangkilik pa rin ng tao? Kasi ba, hindi ito available sa streaming? Iba na talaga ang audience ngayon.
Nakakataquote:
“Breaking my silence.
There’s a lot of misinformation circulating, especially from news outlets that failed to verify the facts before reporting. Irresponsible journalism has blown things out of proportion, creating unnecessary confusion. I want to make it clear—I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly.
To those who continue to stand by me, thank you. Your support means everything.”
— BARON GEISLER sa paglabas ng balitang nasa piitan siya sa Cebu
