Diretsong 4 sa Lakers | Pilipino Star Ngayon


Pilipino Star Ngayon

November 25, 2025 | 12:00am

SALT LAKE CITY — Nagkuwintas si Luka Doncic ng 33 points at 11 rebounds at may 17 mar­kers si LeBron James sa kanyang unang road game sa season sa 108-106 paglusot ng Los Angeles Lakers sa Utah Jazz.

Tumipa rin si James ng walong assists at anim na rebounds para sa muling pagdaig ng Lakers (12-4) sa Jazz (5-11) ngayong season.

Nag-ambag si Austin Reaves ng 22 points kasunod ang 13 markers ni Rui Hachimura para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Los Angeles.

Binanderahan ni Ke­yonte George ang Utah sa kanyang 27 points habang iniskor ni Lauri Markkanen ang 12 sa kanyang 20 points sa fourth quarter kung saan sila nakadikit sa 106-107.

Matapos ang free throw ni Doncic para sa 108-106 abante ng Lakers ay mintis naman ang jumper ni George sa huling po­sesyon ng Jazz.

Sa iba pang laro, nagttagumpay ang nagdedepensang Oklahoma City Thunder sa Portland Trail Blazers, 122-95; sinunog ng Phoenix Suns ang San Antonio Spurs, 111-102; dinaig ng Cleveland Cavaliers ang LA Clippers, 120-105 at pa­nalo ang Boston Celtics sa Orlando Magic, 138-129.