Doncic inakay ang Lakers vs Suns


LOS ANGELES — Nagkuwintas si Luka Doncic ng 33 points, 11 rebounds at 8 assists sa 107-96 panalo ng Lakers sa Phoenix Suns.

Nagdagdag si Austin Reaves ng 28 points at dinuplika ni Jaxson Hayes ang kanyang season high 19 markers para tapusin ang four-game losing skid ng Los Angeles (41-25).

Hindi naglaro si LeBron James sa ikaapat na sunod na pagkakataon dahil sa left groin strain.

Pinamunuan ni Kevin Durant ang Phoenix (31-37) sa kanyang 21 points at may 19 markers si Devin Booker.

Naglista ang Lakers ng isang 20-point lead sa first period bago nakalapit ang Suns sa 92-100 sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.

Nagsalpak si Dorian Finney-Smith ng isang 3-pointer para muling ilayo ang Los Angeles sa 103-92.

Sa Orlando, bumira si Paolo Banchero ng 24 points habang may 22 markers si Franz Wagner sa paggiya sa Magic (32-37) sa 108-103 panalo sa Cleveland Cavaliers (56-11) at tapusin ang 16-game winning streak nito.

Sa Milwaukee, kumamada si Shai Gilgeous-Ale­xander ng 31 points sa 121-105 paggiba ng Wes­tern Conference-leading Oklahoma City Thunder (56-12) sa Bucks (38-29).

Sa Los Angeles, nagkadena si James Harden ng 31 points at 10 rebounds at may 23 markers si Kawhi Leonard sa 123-88 paglunod ng Clippers (38-30) sa Charlotte Hornets (17-50).

Sa Minneapolis,  nagpasabog si Anthony Edwards ng 41 points sa 128-102 paglamon ng Minnesota Timberwolves (40-29) sa Utah Jazz (15-53).