MANILA, Philippines — Lalabanan ni Pinay tennis sensation Alex Eala si World No. 27 Marta Kostyuk ng Ukraine sa Round 1 ng Italian Open sa Rome.
Nakatakda ang paluan nina Eala at Kostyuk ngayong alas-4 ng hapon.
Ang Italian Open ay gagamitin ng 19-anyos na si Eala sa kanyang paglahok sa French Open na hahataw sa Mayo 25 hanggang Hunyo 8 sa Paris.
Ang 128-player Italian Open ang magsisilbing final tournament bago ang nasabing major event kung saan siya ang magiging unang Filipina player na maglalaro sa main draw bilang isang Top-100 player.
Tumaas si Eala sa bago niyang career-best ranking sa No. 70.
Dahil dito ay nakakuha siya mg direct invite sa lahat ng W1000 at Grand Slam tournaments kagaya ng Roland Garros at Italian Open.
Hangad ni Eala na makabawi mula sa maagang pagkakasibak sa nakaraang Madrid Open.
Sa makasaysayan niyang laro sa Miami Open ay tinalo ni Eala si Bulgarian Victoriya Tomova, 6-3, 6-2, sa Round 1 bago yumukod kay Iga Swiatek ng Poland, 6-4, 6-4.
