MANILA, Philippines — Namaalam na sa kontensiyon sina Filipino tennis star Alex Eala at Mexican partner Renata Zarazua matapos yumuko sa second round ng French Open doubles na ginaganap sa Paris, France.
Lumasap sina Eala at Zarazua ng masaklap na 1-6, 3-6 kabiguan sa kamay nina Olga Danilovic ng Serbia at Anastasia Potapova ng Russia.
Maganda ang inilatag nina Danilovic at Potapova na may 71 percent win sa first serve kumpara sa 47 percent lamang nina Eala at Zarazua.
Limang beses din nakakuha sina Danilovic at Potapova ng break points habang mayroon itong 28 receving points sa buong panahon ng laro.
Sa kabila ng kabiguan, masaya si Eala na nakatungtong ito sa isang Grand Slam event sa unang pagkakataon.
Gumawa pa ng kasaysayan si Eala bilang kauna-unahang Pinoy na nagtala ng panalo sa Grand Slam tournament matapos nilang makuha ang 7-5, 6-4 panalo laban kina Emily Appleton ng Great Britain at Yvonne Cavalle-Reimers ng Spain sa first round ng doubles noong Martes.
Sunod na pagtutunan ng pansin ni Eala ang pagsabak nito sa Wimbledon Championships na gaganapin sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 13 sa London, England.
Nakatakda rin itong sumabak sa US Open sa New York sa Agosto 24 hanggang Setyembre 7.
