Eugene, nabuhay ulit dahil kay Vice


Pansamantalang iniwan ni Eugene Domingo ang pag-arte sa harap ng kamera nang ilang buwan. Dumating umano sa punto ang aktres na hinanap kung ano pa ang pwede niyang gawin sa industriyang kanyang ginagalawan. “Nag-lie low ako sa paggawa ng pelikula. I focused my attention to nurturing myself more. I studied and I tried to find another life out of showbiz. I was able to enrich my true self. Siyempre hindi mo magagawa ‘yon kung isasabay mo ‘yung pagiging busy mo. Then I think, for a while I was lost. Hindi ako interesado masyado mag-social media. Hindi rin naman ako masyadong ino-offe­r-an ng TV. Hindi rin naman ako tumatanggap ng pelikula kasi walang nao-offer na parang, ‘Gusto ko ‘yan!’ parang lahat tumahimik. ‘Yung hunger ko to create, to connect, to discover something na pwede ko pang i-offer in our industry,” makahulugang pahayag ni Eugene sa kanyang YouTube channel.

Malaki ang pasasalamat ng komedyante sa kaibigang si Vice Ganda dahil muling nabigyan ng pagkakataong makagawa ng pelikula noong isang taon. Nagkatrabaho ang magkaibigan sa And The Breadwinner Is… na bahagi ng Metro Manila Film Festival 2024. “I was so happy, I was so excited especially I care for direk Jun (Robles Lana). Then kinamusta ko ‘yung pelikula. Tapos sabi niya, ‘Yon nga nga, kasi may character do’n na kapatid ni Vice, baka naman pwede ka?’ Oh my God! Ako talaga, ‘Totoo, direk?’ ang dating sa akin, special participation. Sabi ko, ‘Of course direk, sige!’ tapos no’ng nagsu-shooting na, parang ang dami (ng mga eksena). Napatanong na ako sa sarili ko, ‘Ako ba ‘yung breadwinner dito? Bakit ang tagal ko nang nagsu-shooting?’” kwento niya.

Ayon kay Eugene ay nasaksihan niya kung paano tinangkilik at minahal ng mga manonood ang naturang MMFF entry. “Na-infect ako. Nabuhay ako ulit. Na-appreciate ko ‘yung calling natin. Na-appreciate ko ‘yung love ng audience. Na-appreciate ko ‘yung mga taong gumagasta para mapanood ka sa sine. Minahal ko ‘yung trabaho, ‘yung binigay sa akin na pagkakataon na after all these years, they want to see you in the movies. They still get you, na-appreciate ko dahil sa ‘Breadwinner.’ The ‘Breadwinner’ experience has brought me parang reborn,” pagbabahagi ng komedyana.

Bianca, may patikim sa pasabog ni Kuya!

Simula ngayong linggo ay mapapanood na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMA Network, Kapamilya Onlive Live, iWantTFC at TFC. Ilang linggo nang pinag-uusapan at hinuhulaan ng netizens kung sinu-sino ang mga magi­ging housemate sa pinakabagong edisyon ng PBB. Ayon sa host ng naturang reality show na si Bianca Gonzalez ay kailangang pakaabangan kung sinu-sinong artista mula sa ABS-CBN at GMA ang papasok sa loob ng Bahay ni Kuya. “Ang masasabi ko na lang, nabasa ko ang hula ng mga netizens online, parehong Kapuso at Kapamilya, madaming tama. In fairness, madaming tamang hula. Pero may mga mali din,” nakangiting pahayag sa amin ni Bianca sa Fast Talk with Boy Abunda.

Para kay Bianca ay maraming pagbabagong ginawa ang PBB lalo pa’t ipinagdiriwang nila ang ika-dalawampung anibersaryo sa telebisyon. Makakasama rin bilang mga host sina Robi Domingo, Enchong Dee, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Alexa Ilacad at ang GMA artists na sina Mavy Legaspi at Gabbi Garcia. “Meron kaming kakaibang format na pasabog si Kuya na ‘di pa namin nagagawa dati. So abangan niyo ‘yan,” pagtatapos ng TV host  (Reports from JCC)