Nagrereklamo na ang ibang fans ni Bea Alonzo.
Bibihira na raw itong mag-post sa kanyang Instagram account at other platforms.
Parang once a week na lang daw. Tapos mga endorsement pa.
Asking sila kung anong ganap career ni Bea.
Kelan daw kaya ulit nila mapapanood ang kanilang idolo after Windows’ War?
Sana naman daw very soon ay mapanood na nila ang actress sa isang teleserye.
Actually, ba’t nga ba wala masyadong ganap sa career ni Bea?
Habang ang iba nga naman ay halos oras-oras may post ng kanilang mga ginawa, totoo nga palang bibihira na siyang mag-upload nang i-check ko ang kanyang social media accounts.
Anyway, isa pang wish ng fans niya, makahanap na siya ng forever.
Sharon, nagpasalamat sa mga sinabi ni KC
Kilig na kilig si KC Concepcion nang i-post ng kanyang mommy Sharon Cuneta ang earrings at necklace na binigay niya sa ina.
“Baby #1, my eldest @kristinaconcepcion just sent me these! And they are beautiful. More beautiful though, are her words. Thank you from the bottom of my heart, Toot! I love you.@avecmoijewelry,” post ni Ate Shawie kalakip ang letter at ang hikaw at kuwintas na negosyo ni KC.
Sabi ni KC : “Gahhh I’m super kilig”
Andaming natuwa kahit matagal na silang ok na mag-ina.
Tiyak daw mas marami nang magiging buyer si KC ng kanyang binebentang alahas.
Samantala, may ilan namang nagtataka kung ba’t hindi pa isinasapubliko nina KC at Aly Borromeo ang reconcilation nila.
Tanggap naman daw ng kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon.
