Gabbi Garcia at Tim Yap, host ng miss universe ph 2025!


Opisyal nang inanunsyo ng Miss Universe Philippines organization na muling magbabalik sa hosting stage ang Kapuso It Girl na si Gabbi Garcia bilang isa sa mga pangunahing host ng Miss Universe Philippines 2025.

Kasama rin sa lineup si Tim Yap bilang official backstage host na maghahatid ng eksklusibong kaganapan mula sa likod ng entablado. Magaganap ito sa May 2 sa Mall of Asia Arena!