Saglit na nagpahinga sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at Jessy Mendiola sa kanilang mabibigat na eksena sa Sins of the Father upang makisaya sa mga Batangueños sa pagdiriwang ng Sublian Festival.
Kasama rin sa latest stop ng Kapamilya Karavan sina JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, at Seth Fedelin, na naghatid ng performances sa SM City Batangas noong Hulyo 19.
Samantala, patuloy ang crime drama na Sins of the Father sa pagpukaw ng damdamin ng mga manonood pagkatapos ng nangyaring kidnapping ng anak ni Samuel (Gerald) na si King (Clave Sun).
Sa pagpapakamatay ng isang biktima (Smokey Manaloto) dahil sa epekto ng Yayaman Tayo investment scam, nagdesisyon na si Samuel na makipagtulungan kay Agnes (Jessy) para masugpo ang mga tunay na scammer.
Base sa teaser ng programa ngayong linggo, target na ring maging scambuster ni Atty. Leah Rivera (Shaina) para matulungan ang mga biktima. Marami ring lihim ang malalantad dahil iniisip na ni Samuel na ipaalam sa anak ang tunay na kwento sa likod ng ina nito.
Ang Sins of the Father ay napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC, Lunes hanggang Biyernes, 9:30 p.m.
