Gigi, hinamon; mga celeb na mahilig sa hanash, mas kailangang mag-ipon


Nakakaloka na hindi pa raw pala tapos ang issue ni Gigi de Lana kung saan na-take down ang kanyang YouTube channel.

Nag-post daw ang isang songwriter/artist na naging dahilan nga sa pagkawala ng YT channel ni Gigi, ng kanyang open letter.

Ngayon lamang ito nagsalita bilang sagot niya sa mga naging pahayag ni Gigi sa isang podcast kung saan sinabi nito na wala raw pasabing binura na lamang ang kanyang channel.

Sey ng songwriter ay kilala niya si Gigi mula pa raw noong Popstar Kids dahil Kyla fan daw siya.

Mahusay raw si Gigi na singer at walang duda roon. Pero may challenge raw siya para sa singer.

“GUMAWA KA NG SARILI MONG KANTA. Pag-isipan mo, pagpaguran mo, PASIKATIN MO. Try mo para magets mo how it feels when biglang pagkakakitaan ng iba yung pinaghirapan mo. Or baka nga may originals ka pero di namin alam kasi di pa sikat. Dahil ganun po yun. Di po yun magic magic lang. So respect INTELLECTUAL RIGHTS,” sey raw nung songwriter din.

Totoo nga naman na hindi nga basta-basta pwedeng gamitin ang mga kantang isinulat ng iba dahil meron tayong Copyright Law.

‘Kaloka. Sa totoo lang, hindi ko sila kilala.

May nag-chika lang sa akin nito.

Eh dahil wala akong maisulat dahil wala nga akong boses kahapon, wa akong choice kundi patulan ang isyung ito na para sa akin ay walang katuturan.

Charuruttt. Hahaha.

Kung ako sa kanila, mag-ipon sila ng datung habang kumikita sila, kesa magparinigan at humanash sa social media.

Alam mo naman ang mga artista at singer ngayon, maiksi na ang life span ng mga career dahil sa social media.

Saka ang daming mga baguhan na nagsusulputan at ang fans maiksi na ang patience at paiba-iba ang gusto sa buhay.

‘Pag nalaos na kaagad sila, waley na, nganga sila.

Kaya ipon kayo noh kesa magparinigan kayo sa social media.

Hindi lang ito particular sa kila Gigi kundi sa lahat ng celebrity.

Importanteng may ipon para sa kinabukasan.

‘Wag ilagay sa utak na forever ang inyong career.