Gina Alajar takot makulong, mabigat ang loob sa binayarang tax!


SHOWBIZ GANERN! — Gorgy Rula — Pilipino Star Ngayon

October 16, 2025 | 12:00am

Nagdasal at nagbasa muna ng Bibliya si Gina Alajar bago siya nagbayad ng taxes niya sa ­Bureau of Internal Revenue (BIR).

Iyon ang isa sa ibinahagi ng actress/director nang makapanayam namin sa radio program namin sa DZRH noong nakaraang Martes, nang mag-promote ito ng pelikula niyang Everyone Knows Every Juan.

Nung araw daw na ‘yun ay kailangan daw niyang magbayad sa BIR ng kanyang income tax, pero labag daw sa kalooban niya dahil sa nangyayari ngayong imbestigasyon ng corruption sa flood control.

“Totoo ‘yun! Because I didn’t want to pay. Ayoko magbayad talaga, I just paid today hahaha! The second installment of my ano, my 2024 income tax.

“I had the hard time… nahirapan ako. Kasi naglalaban ‘yung loob ko. Gagawin ko ba o hindi ko gagawin. Magrerebelde ba ako o hindi, ganun,” natatawa niyang pakli nang tinanong ko ito sa kanya.

“Mabigat sa loob ko. Nag-iisip pa nga ako, nagtatalo pa ang utak ko. Papa’no kung hindi ako magbayad, siyempre ikukulong ako ng BIR, ‘di ba? Ipapatawag nila ako sa korte ng BIR, idedemanda nila ako. Bakit hindi ako nagbayad.

“Anong isasagot ko dun? Ang isasagot ko dun, ‘e ninanakaw lang naman nila e. Imbes na nakawin, gastusin ko na lang sa sarili ko.’

“Hindi naman nila tatanggapin ‘yun sa korte ‘di ba?

“At the end of the day, ako lang naman ang may kasalanan,” dagdag niyang pahayag.

Tila nakalma naman si direk Gina pagkatapos niyang magdasal at magbasa ng Bible.

“But then you know, after reading the word of God, and researching kung ano ‘yung sinabi ng banal na salita tungkol sa pagbabayad ng taxes, tungkol sa pagsunod sa institusyon sa gobyerno natin, medyo naibsan naman ‘yung puso ko,” sabi pa ng actress/director.

Marami raw ang nag-aapela ng tax break o tax holiday. At kung meron daw magpapasimuno nito, isa raw siya sa sasali.

“But if there is a movement na you know, if there is a movement na lahat tayo, ano diyan, huwag tayo magbayad ng taxes. I will join.

“But rebellion is out of the question,” sabi pa ni direk Gina.

Marami raw ang nagagalit, at nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa mga nangyayari. Pero wala naman daw ibang sisisihin kundi tayo rin na siyang bumoto sa mga pulitikong ito.

Pero sana may kahinatnan daw ang imbestigasyon at managot ang dapat na managot.

“Ang prayer ko lang, and I think this should be the prayer of everyone also, na kasi we have a just God naman e.

“Ang dapat nating ipag-pray ay makulong kung sino ang dapat makulong. Maabsuwelto kung sino ang dapat maabsuwelto. Kasi I’m sure marami ang sabit lang diyan. Maaring hindi lang nila alam, hindi ba?

“‘Yung mga walang alam talaga ay maabsuwelto, malaman kung ano ang katotohanan. Pero dapat pagbayaran ang talagang may kasalanan.

“Kung kinakailangan silang makulong habang buhay, dapat makulong sila. At sana maibalik ‘yung pera sa kaban ng bayan. And the most important thing is sana makilala nila ang Diyos,” saad pa ni direk Gina Alajar.

Sa kabila nitong pinagdaraanan ng ating bansa, sana ay magkaroon pa rin daw ng interes ang mga taong manood ng magagandang pelikula kagaya nitong Everyone Knows Every Juan na bale pangalawang directorial job ni Alessandra de Rossi.

Sa Oct. 22 na ang showing nito sa mga sinehan.

Direk Jerrold, mas nahirapan sa Quezon

Kahapon naman nag-showing ang pelikulang Quezon na ang sabi ng mga nakapanood, medyo makuda raw. Pero magagaling ang mga artista lalo na si Jericho Rosales.

So far, ito raw ang pinakamaganda sa Bayaniverse ng TBA Studios kung ikukumpara sa Heneral Luna at Goyo.

Sa tatlong nagawa nila sabi ni direk Jerrold Tarog, ang Goyo raw ang pinakamagastos. Pero itong Quezon daw ang pinakamahirap gawin.

“Physically, Goyo was the hardest. Pero mentally, ito (Quezon) ang pinakamahirap. Dahil iyong nuances ng mga away-away nila. And how to make it entertaining and keep the attention of the audience. So that was really hard sa editing and sa technical aspects,” saad ni direk Jerrold Tarog.

Binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng PG na rating itong Goyo at iminumungkahi ng MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio na sana ay gabayan ng mga magulang ang mga kabataang manonood nitong pelikula.

Pero bilang isang mamamayan, sana nga ay panoorin itong Quezon.