Nasa finals na ng PBA Philippine Cup ang TNT Tropang 5G. Either San Miguel Beer or Ginebra ang kalaban.
Isa lang ang goal ng TNT: maging Grand Slam champion.
Four franchises pa lang ang nakagawa nito sa PBA history. Ang Crispa, San Miguel, Alaska at San Mig Coffee. Last ang San Mig Coffee nung 2014.
Partida na, injured sila Jayson Castro at Rey Nambatac at may iniinda sila Kelly Williams at RR Pogoy. Eh halos starting five na sa ibang team.
At ang mahirap pa, all-Filipino ang laban. Pwede pa sana kung may injured players ka kung may super import ka. Pero ‘yung wala si Castro at Namtabac at na-injure pa ang iba eh mas mahirap isipin.
Next-man mentality ang motivation ni coach Chot Reyes, meaning kung sino ang ipasok niya, kailangan ibigay ang 100 percent.
Mabigat na ang dinaanan ng TNT sa quarterfinals at semifinals. At siguradong mas mabigat pa ang makakalaban sa best-of-seven finals.
Game 7 mamaya ng SMB at Ginebra. Ang manalo, sokpa sa finals.
Waiting lang ang TNT.