Pilipino Star Ngayon
October 29, 2025 | 12:00am
SAN FRANCISCO — Kumamada si Jonathan Kuminga ng 25 points, 10 rebounds at 4 assists sa 131-118 pagpapak ng Golden State Warriors sa Memphis Grizzlies.
Nagdagdag si Brandin Podziemski ng 23 points at 6 assists para sa Warriors (3-1).
Umiskor sina Jimmy Butler at Moses Moody ng tig-20 points habang may 16 markers si Stephen Curry.
Pinamunuan ni Ja Morant ang Grizzlies (2-2) sa kanyang 23 points.
Sa Salt Lake City, kumamada si Lauri Markkanen ng career-high 51 points, ang unang Jazz player na umiskor ng 50 markers sa regular season matapos si Karl Malone noong 1998, sa 138-134 overtime win ng Utah (2-1) sa Phoenix Suns (1-3).
Sa iba pang laro, wagi ang nagdedepensang Oklahoma City Thunder sa Dallas Mavericks, 101-94, tinalo ng Portland Trail Blazers ang Los Angeles Lakers, 122-108; at binigo ng Denver Nuggets ang Minnesota Timberwolves, 127-114.
