Si Heart Evangelista pala ang bagong Kapuso na pumasok sa Bahay Ni Kuya. In-introduce si Heart bilang “The Fashion Icon Is Coming Sa Bahay ni Kuya.”
Tuwang-tuwa ang housemates sa pagdating niya at fans dahil napapanood na uli siya sa TV.
Tanong lang ng fans, makakaya ba niya ang five minutes na shower call rule, ang tagal daw nitong maligo at maraming before and after shower seremonyas na ginagawa sa banyo?
Paano na raw kaya ang social media pages niya?
Trending na siya kahapon na tiyak na mangyayari hanggang makalabas siya sa Bahay ni Kuya.
May PBB fans lang ang nag-comment na bakit puro Kapuso ang nagiging houseguest sa Bahay Ni Kuya? Talung-talo raw ang Kapamilya stars dahil dito.
Inalmahan naman ito ng Kapuso fans dahil balanse raw ang PBB sa pag-guest sa Kapuso at Kapamilya stars.
Jak at Sanya, magkasamang nagdarasal
Ang kapatid na si Sanya Lopez ang kasama ni Jak Roberto nang um-attend sa worship nila sa Rebuild City Church.
Masaya ang fans ng aktor na makitang magkasama sila ng kanyang kapatid. May mga nalungkot din na hindi na si Barbie Forteza ang kasama ni Jak.
Anyway, parehong maaliwalas ang datingan nina Jak at Sanya sa photos na pinost ng aktor at ang interpretasyon ng netizens, masaya ang magkapatid kahit pareho silang loveless.
Nananatili palang limited ang nakakapag-comment sa comment box ng Instagram ni Jak at ang request ng fans, i-open na niya ito.
Still on Jak, kahit walang love life, malaki ang rason para maging masaya siya. Tapos na ang ipinagawa niyang bahay, may bago siyang electric car at may bago siyang show sa GMA 7.
Tama ang fans, ano pa ba ang mahihiling pa niya sa ngayon?
Isa siya sa main cast ng GMA Afternoon series na My Father’s Wife at kasama siya sa teaser. For sure, kasama siya sa mediacon unless, hindi siya dumalo para makaiwas asa tanong ng media. Sa June 23 na ang premiere ng series na tinatampukan nina Kylie Padilla at Gabby Concepcion.
Dylan Menor at Rabin Angeles, magkaribal!
Akala namin exclusive sa TV5 si Dylan Menor dahil sa MQuest Artists Agency siya pumirma ng management contract. Pero dahil talent din siya ng The Stages Group ni Carlo Orosa, ibig sabihin, co-managed si Dylan, kaya nakuha ng Viva One para makasama sa cast ng Seducing Drake Palma.
Hindi lang siya basta guest, malaki ang kanyang role sa series na streaming sa Viva One simula June 15. Gagampanan niya ang role ni Tripp Palma na mai-in love sa lead actress na si Angela Muji.
Magagalit sa kanya ang fans nina Angela at Rabin Angeles, pero marami rin ang kinikilig sa pairing nina Angela at Dylan dahil mas bagay raw silang dalawa.
Happy at excited si Dylan na makasama sa series at biggest project nga raw niya ito. Happy rin siya to be working with the cast and with director Crisanto Aquino.
Samantala, malakas ang dating ni Dylan sa fans at tiyak na hindi sasayangin ng MQuest Artists Agency at Stages ang popularity nito.