Heart, nawindang sa tinirhang hotel sa Paris


Ang sagot ni Heart Evangelista na “wiiiit gusto ko na umuwiii” sa comment ng isa niyang follower sa Instagram na ayaw na niyang matapos ang fashion week at kung puwede raw whole year na.

Uwing-uwi na nga si Heart, may reels post siya kasama ang photo ng asawang si Senate President Chiz Escudero at ang caption niya ay “I miss you @escuderochiz.” Ang cute ni Chiz sa reels, ni-lip sync ang song na Ain’t No Mountain High Enough na ni-lip sync din ni Heart at ng kanyang glam team.

Sa isa pang Instagram post ni Heart, overwhelmed ito sa laki ng bedroom na ibinigay sa kanya sa tinuluyang hotel. OA raw sa laki ng room, naiiyak daw siya at hindi niya ini-expect na maa-appreciate ang pagdalo niya sa mga fashion week.

Ang tinukoy na hotel niya ay ang Le Meurice Hotel, isang luxurious hotel sa Paris, founded in 18th-century pa. May rason siya na ma-overwhelm dahil nag-stay siya sa Le Meurice’s Presidential Apartment Dali, Park View, na favorite ng Spanish artist na si Salvador Dali.

“I am shocked! Like, come on. Like, what?! Thank you so much, [Le Meurice]. This is, like insane,” wika ni Heart. Sinundan ito ng comment na “So excited to make content here.”

Lito, sumagot sa mga pang-Iintriga

Napanood namin ang TV Ad ni Sen. Lito Lapid, kasama ang number one supporter niyang si Coco Martin. Maganda ang concept ng TVC, sinagot ang mga isyu na ipinupukol na isyu sa kanya.

Gaya ng isyu na wala raw ginawa ang senador nang nakaupo sa senado. Ang sagot, isa sa naitulong ni Lito ay ang bigyan sila ng free legal assistance para sila umunlad. Ito ay sa pamamagitan ng RA 9999 “Lapid Law.”

Sa isyung artista lang si Lito at walang magagawa sa senado ang action star, ang sagot nito, marami siyang nagawang tulong para umunlad ang mga manggagawa sa pelikulang Pilipino kasama ang pag-aksyon sa Eddie Garcia Law.

Isa pang sinagot sa TVC ay ang ipinupukol na hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral, paano niya matutulungan ang mga nag-aaral? Ang sagot dito, hindi nga nakatapos ng pag-aaral ang senador, pero ginawa nito ang lahat para maka-graduate ang mahihirap na estudyante sa Free College Exams Education Act.

Sa pagtatapos ng TVC, magkasama sina Lito at Coco at sabi ng actor-director, ilan lang ang nabanggit sa TV Ad sa nagawa ng senador. Dagdag pa ni Coco, lahat ng sabi-sabi, inaksyunan.

Ruru at Sofia, first time sa America

Nasa Los Angeles, Californina ngayon si Sofia Pablo para sa Manila International Film Festival, sila ni Ruru Madrid ang representative ng pelikulang Green Bones na may screening sa MIFF.

Based sa kanyang reels post, ang first stop ng bida ng Prinsesa ng City Jail ay ang In-N-Out hamburger.

Marami tuloy ang natakam sa post ni Sofia, mga kapwa artista na nakakain na ng In-N-Out burger at humihingi ng pasalubong. Mayroon namang dahil na-miss ang In-N-Out, gustong lumipad pa-Amerika para muling makakain nito.

Nabanggit ni Sofia na first time niya sa Amerika, kaya siguradong susulitin ang pagpunta. Pareho silang first time sa Amerika ni Ruru, hintayin natin ang kanilang mga post.