Heavy Bombers pinabagsak ng EAC Generals


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

October 8, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Diniskaril ng Emilio Agui­naldo College ang ha­ngad na back-to-back wins ng Jose Rizal University ma­­tapos itakas ang 68-65 panalo sa NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Pumukol si Nico Quinal ng walo sa kanyang 10 points sa fourth quarter para sa 1-1 record ng Ge­nerals sa Group B kapare­ho ng baraha ng Heavy Bombers.

Ang mga three-point shots nina Wilmar Oftana at Quinal ang nagbigay sa EAC ng 54-43 abante sa fourth period.

Nagsalpak si Shawn Ar­gente ng magkadikit na triples para itabla ang JRU sa 65-65.

Ang tres ni Quinal ang muling naglayo sa Gene­rals sa 68-65.

Bumira si Argente ng 27 points sa panig ng Heavy Bombers.

Sa unang laro, pinataob ng Arellano University ang San Sebastian College-Re­coletos, 82-66, sa Group A.