Hollywood veteran Gene Hackman, misis at aso, natagpuang patay sa kanilang bahay sa Mexico; Gossip Girl actress, natagpuan ding patay


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

February 28, 2025 | 12:00am

Natagpuang patay ang Oscar-winning actor na si Gene Hackman, ang kanyang asawang si Betsy Arakawa at ang kanilang aso sa kanilang tahanan sa Santa Fe, New Mexico, ayon sa report ng BBC.

Mismong ang Santa Fe County She­riff sa New Mexico ay nagsabi: “Makukumpirma namin na parehong si Gene Hackman at ang kanyang asawa ay natagpuang namatay noong Miyerkules ng hapon sa kanilang tirahan sa Sunset Trail.”

Pero hindi raw sila naniniwalang may foul play pero itutuloy umano ng mga pulis ang kanilang imbestigasyon.

Samantala, namatay rin ang former child star na si Michelle Trachtenberg na nakilala sa iconic TV series na Gossip Girl at pelikula kabilang ang Buffy the Vampire Slayer at Gossip Girl sa edad na 39 ayon sa lumabas sa The Post.

Natagpuan din daw ito ng kanyang ina sa luxury apartment complex sa Manhattan’s Central Park South neighborhood.

Sumailalim daw ang aktres sa isang liver transplant at namatay raw ito sa natural na paraan.