October 30, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Puntirya ni Alex Eala na maipagpatuloy ang magandang ratsada nito para masungkit ang silya sa quarterfinals sa Hong Kong Open na ginaganap sa Victoria Park Stadium sa Hong Kong.
Subalit daraaan sa matinding pagsubok si Eala dahil makakaharap nito si world No. 21 at tournament third seed Victoria Mboko ng Canada sa Round-of-16 ngayong araw.
Nakahirit ng tiket sa Round of 16 si Eala matapos magretiro si Katie Boulter ng Great Britain sa second set ng kanilang frst round match noong Martes.
Hawak ni Eala ang 6-4, 2-1 kalamangan nang magpasya si Boulter na magretiro na dahil sa iniinda nitong injury.
“I’m a little out of words. You know, I think this time of the year is a tough moment for a lot of players physically and mentally, being the end of the season,” ani Eala.
Umaasa si Eala na magiging mabilis ang paggaling ni Boulter.
“I hope that Katie can take this time to recover and just look back at her season proudly,” dagdag ni Eala.
Hindi naman magiging madali ang daan para kay Eala dahil makakaharap nito si Mboko na beterano na rin sa WTA Tour.
Nakapasok sa Round of 16 si Mboko nang talunin nito si Talia Gibson ng Australia sa iskor na 6-7 (2), 6-1, 6-4.
“First time playing in Hong Kong since I was probably 12. Safe to say it didn’t disappoint,” ani Eala.
Masaya si Eala sa suportang natatanggap nito sa kanyang bawat laro.
Dagsa ang mga Pinoy fans sa venue para panoorin ang laban ni Eala
