Hunyo 28, 2025 | Pilipino Star Ngayon


CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging sensitibo ka sa ilang mga bagay. Maaaring makamtan ngayon ang matagal nang inaasam-asam. Masasaktan ka sa mga salitang maririnig laban sa iyo. Panatilihin ang hinahon nang makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 23 at ruby red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ang pag-ibig ang siyang gabay sa pagsisikap. Magiging maagap ka ngayon sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 27 at lemon green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ang iyong talino ay malaking puhunan sa ikauunlad kaya panahon na para magamit ito sa makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 24 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan at magiging magaan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 28 at apple green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang payo ng mga nakakatanda ay mahalaga ngayon dahil sa problemang taglay. Sundin ang inaakalang tama. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang mga praktikal na gawain ang siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ingatan ang health.Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang responsibilidad sa pamilya ang siyang magiging pangunahin kaysa sarili. Magiging happy ka.Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan ang magalit at mabilis na pag-i-nit ng ulo na siyang sisira sa iyong araw. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 21 at brown.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Ang naiwang gawain ay mawawalan ng kabuluhan sa hinaharap, kaya dapat tapusin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 18, 38 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may hindi nalalaman, huwag ikahiya ang magtanong para maging matagumpay sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – May matatanggap na hindi inaasahang regalo o balita. Isang kaibigan ang nangangailangan ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.