Ang bongga naman ng pa-birthday ni Ice Seguerra sa misis niyang si Liza Diño.
Nagpaka-drag siya.
Sumayaw siya suot ang napaka-sexy na outfit na tila black one-piece swimsuit na may suot na see-through long sleeves bilang regalo kay Liza.
Aliw nga na talagang nilapitan niya ito galing sa stage at sinayawan iyon.
‘Katawa nga na napa-hands down ang misis sa ginawa niya na speechless daw talaga ito sa bonggang performance ng mister niyang singer.
In fairness mukhang talagang pinaghandaan ito ni Ice na ang galing din naman talaga ng pagsayaw niya.
Na talagang kinarir niya na bumuka-bukaka at tumuwad pa siya habang sumasayaw kaya hiyawan ang lahat ng nandun sa birthday celebration ni Liza sa Rampa na isang drag ba.
Patunay nga raw na mahal na mahal ni Ice si Liza sa ginawa niya.
Hindi talaga inakala ng lahat na magagawa iyon ng transman na si Ice.
Aliw na binibiro lang daw ito ni Liza pero mukhang tinotoo raw ni Ice. Sey nga nito ang hot ni Ice sa outfit nito na talagang babaeng-babae.
Priceless kung ganun ang pagmamahal nila na kahit magkano raw ang ibayad sa kanya ay hinding-hindi raw niya iyon gagawin kung hindi dahil sa misis niya.
‘Kaloka.
Biro nga ng follower niya ay mukhang nagbabago na raw ang isip ni Ice dahil ganon din ang ginawa niya nang sinorpresa nito si Vic Sotto sa Eat Bulaga at nagbihis-babae rin.
Wala nga raw talagang duda na entertainer si Ice dahil ang layo sa normal niyang kilos ang ginawa niyang drag na para sa birthday ng karelasyong si Liza.
Bongga talaga.
