October 10, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Sasakmalin ng San Beda University ang ikatlong sunod na panalo sa Group B ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament.
Makakatapat ng Red Lions ang Jose Rizal Heavy Bombers ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang upakan ng San Sebastian Stags at Lyceum Pirates sa alas-12 ng tanghali sa MOA Arena sa Pasay City.
Nangunguna ang University of Perpetual Help System DALTA sa Group A bitbit ang 3-0 kartada kasunod ang Mapua (2-1), Arellano (1-1), San Sebastian (0-2) at Lyceum (0-2).
Nasa tuktok naman ng Group B ang San Beda hawak ang 2-0 baraha sa itaas ng Season 100 runner-up St. Benilde (2-1), Emilio Aguinaldo College (1-1), Jose Rizal (1-1) at Letran (0-3).
Huling biniktima ng Red Lions ang Knights, 68-58, tampok ang 22 points ni Fil-Am Janti Miller.
“Matagal pa itong season na ito, maaga pa,” sabi ni coach Yuri Escueta.
Nakalasap naman ang Heavy Bombers ng 65-68 kabiguan sa Generals sa huli nilang laro.