Imbestigasyon ni Jessica sa korapsyon, halos 100 million views na!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 15, 2025 | 12:00am

“Hindi pala baha ang magpapalubog sa ating bayan, kundi kasakiman.”

Ito ang powerful line ng multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho, sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) special series Katakot-Takot na Kurakot, na nag-viral kamakailan, capturing the nation’s growing outrage against corruption.

Pinuri ng mga manonood ang serye para sa lalim, katapangan, at kalinawan nito, at sinabing nakatulong ito sa kanila na mas maunawaan ang katiwalian at ang epekto nito sa totoong mundo.

Kinikilala pa ng ilan ang mga ulat ng Kurakot para sa pagpapasigla ng kamalayan na humantong sa kamakailang “Trillion Peso March.”

Ang special investigative, na sumasaklaw sa malakihang katiwalian at maanomalyang mga proyekto ng gobyerno, ay nakabuo na ng mahigit 92.4 milyong kabuuang views sa Facebook, YouTube, at TikTok, na ang unang episode lang nito ay lumampas sa 14 million views sa YouTube.

Mula nang ipalabas ito sa TV noong Agosto 24, ito ang naging pinakapinapanood na segment ng KMJS online ngayong taon, na nagbunga ng malawakang pag-uusap tungkol sa mabuting pamamahala at pananagutan sa publiko.

Higit pa sa telebisyon, ang KMJS ay isang digital powerhouse. Naiposisyon na ng KMJS Podcast ang sarili bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong digital current affairs program sa Pilipinas.

In just over a month since its launch, the podcast racked up more than 105 million views across all platforms: hitting 68.3 million views on Facebook, 21.6 million on TikTok, and 14.8 million on YouTube – clearly reflecting the public’s growing demand for credible and in-depth journalism.