Oh ayan ha, baka naman hindi n’yo pa tantanan si Ivana Alawi.
Sinabi na niyang wala siyang sinirang pamilya at hindi siya pinalaking ganun.
Kaya sumabak na siya sa lie detector test at lumabas na nagsasabi siya ng katotohanan.
Noong 2023, kumalat ang mga tsismis tungkol sa diumano’y relasyon ni Ivana at ng isang politiko.
Sinulat na ni Salve ang sinabi nitong “Hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect families kasi kami nga broken family. Tapos maninira ako ng family? Sira ulo ka pala eh.”
Sinagot niya rin sa kanyang vlog ang intrigang hindi naman nila totoong bahay ‘yung nasa Bahrain na nasa vlog niya.
Sinabi niya na bahay nila ‘yun noh.
Hindi lang daw siya ganun kagaling gumawa ng kuwento kung saan siya lumaki.
Kinkwestyon nga ng ibang mga netizen na walang magawa, na kung bahay nila ‘yun ba’t wala silang picture?
Hahaha. ‘Yun talaga ang basehan?
“At kaya walang litrato ako dun–– bakit ako maglalagay ng litrato hindi naman kami nakatira doon,” sabi niya.
Na may point naman.
Kailangan ba talagang may picture? Hahaha.
Saka sa daddy niya raw ‘yun ‘di ba. “Yes, andoon pa yung name ng tatay ko sa labas. Ano, pinasemento ko yung pangalan ng tatay ko sa labas? Inggit lang kayo. Kung gusto mo, bilihin mo nalang yung bahay.”
Saka nabubulok lang daw kaya gusto na niyang ibenta.
Pero sa totoo lang, kung ako si Ivana hahayaan kong manigas sa inggit ang mga basher niya na parang wala namang mga datung at abala lang sa paninira ng kapwa.
Saka kung may jowa siyang pulitiko at pwede naman siyang pakasalan, wag siyang paapekto sa sinasabi ng mga tao noh.
‘Yun lang masasabi ko.
Hahaha.
Atasha, binabantayan sa Bad…
Siguradong proud na proud sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa anak nilang si Atasha Muhlach.
Di ba pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa abroad saka siya nag-artista. At ngayon bongga ang career niya.
Ngayong Hulyo nga ay lahat ng mata ay nakatuon sa isa sa kambal na anak nina Aga at Charlen habang pinangungunahan niya ang Philippine adaptation ng Bad Genius: The Series.
Ito ay hinango sa Thai movie na sikat na talagang pinilahan at pinanood sa streaming platform nung 2017.
Nagkaroon din ito ng TV series noong 2020.
Ang bongga, kamukha nga raw ni Atasha ang original na gumanap sa ginampanan niyang character.
Palakpakan kay Atasha at siyempre sa kakambal niyang Andres na gusto kong lapirutin dahil ang kyut-kyut niya.
