Iza, pinasa na ang bato sa anak


Marami ang na-touch sa mensahe ng aktres na si Iza Calzado para sa anak na si Deia Amihan bilang pagselebreyt sa International Women’s Day.

“Dear Deia,

“Today, we celebrate Happy International Women’s Day. My wish for you is that you grow up in a world where gender equality is the standard and not something we have to fight for,” simula niya sa kanyang post kasama ng litrato nilang mag-ina na black and white habang ang isa ay suot ni Deiah ang Darna costume.

Biro nga ay ipinasa na raw ng aktres ang bato sa anak na ang tinutukoy ay ang pagganap niya bilang Darna noong taong 2022.

Umaasa nga siya na magiging bahagi sila ng pwersang magpapabilis sa pag-unlad upang matiyak ang mas magandang kinabukasan para sa bawat babae at tao.

“It says that at the current progress rate, full gender parity won’t be achieved until 2158. I hope we can both be part of the force that accelerates the progress to ensure the future is better for every girl, every woman and every­ human.

“Remember that it all starts from you. In order to better empower others, you need to believe in you own strength, your incredible power. I pray for God’s divine protection and grace to be with you and every woman, every step of the way.

“Happy International Women’s Day, Deia! Laban, Anak!” dagdag niyang mensahe para sa panganay nila ng mister na si Ben Wintle.

“P.S. Happy IWD to all of us amazing women in the world! Mabuhay!” pagtatapos niya.

The Voice Teens S2 winner na si Heart salvad#or, may debut ep na

Ganap nang recording artist ang The Voice Teens Philippines season 2 grand champion na si Heart Salvador matapos ilunsad ang self-titled mini album sa ilalim ng StarPop.

Umiikot ang extended play (EP) sa iba’t ibang sitwasyon ng pag-ibig, pangungulila, at pagbabago sa sarili. Ilan sa mga awitin nito ay Addicted, Ain’t Fair, Sensya Na, Endless Vow, at Babalik Pa Ba? na isinulat ni Heart at iprinodyus ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Tungkol naman ang key track na Sensya Na sa pagtatapos ng isang relasyon at ang pagbabalik-tanaw sa masaya at mapait na alaala nito.

Nakilala si Heart nang sumali siya sa The Voice Kids PH season 3 kung saan siya ay naging semi-finalist. Bumalik uli siya sa entablado para sa ikalawang season ng The Voice Teens PH at naiuwi ang titulo bilang grand champion sa tulong ng mentor na si Bamboo.

Available ang self-titled debut EP ni Heart na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram at TikTok.