Jaclyn, kabilang sa in memoriam ng Oscars


Kabilang si Jaclyn Jose sa mga yumaong artista na ang buhay ay inalala ng mga Oscars noong 2024-2025 In Memoriam nito.

Nasa listahan ang Filipino actress na na-publish sa website ng award-giving body, kasama ang mga yumaong Hollywood personalities na sina Gene Hackman, Maggie Smith at Gena Rowlands, at marami pang iba.

“The Academy honors friends and colleagues we lost over the last year. Take a moment to remember the artists and filmmakers we lost in 2024-2025,” nakalagay sa caption nito

Ipinakita rin ni Andi Eigenmann ang photo ng kanyang ina na inaalala ang unang death anniversary noong isang araw na itinampok sa Oscars’ In Memoriam, sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories last Monday.