“Emotional? Oo, ako ’yon. Alam mo kung bakit? Kasi kahit ang daming judgment dito sa labas, sa loob ng bahay ni Kuya… doon ko naranasan ’yung pagtanggap. Wala akong naramdamang panghuhusga. Tinanggap nila ako kung sino ako,” umpisang bahagi ng sagot ni Jane de Leon sa mga pamba-bash sa kanya dahil nga sa pagiging over acting niya nang maging house guest siya sa PBB.
Parang tula ang pagpapatuloy ng sagot niya : “Sa labas, ang daming mata.
“Ang daming opinyon.
“Pero sa loob, wala ni isa.
“Walang judgment. Walang “dapat ganito ka.”
“Just people… who saw me, felt me, and embraced me.
“Hindi nila ako tinuring na guest.
“I was never “just visiting.”
“They treated me like a real housemate, a sister, a friend, a part of their family,” dagdag niya.
Nag-guest nga si Jane pero andami ngang naartehan sa kanya bago siya nakalabas ng PBB house noong Sabado.
Dagdag pa niya : “Naalala ko pa nga, sabi ng mga housemates sakin:
“Ate Jane, lagi nila sinasabi na OA kami… pero ngayon na andito ka, maiintindihan mo na.
“And they were right.
Now I get it.
Now I feel it.
And that?
That means everything to me.
And that’s what made it so hard.
Ang hirap umalis.
Masakit kasi… ayaw din nila akong paalisin.
They held my hand. They hugged me tighter.
And I could see it in their eyes..
they didn’t want me to go.”
In all fairness, parang ganun na naman si Jane kahit noon pa, may mga naartehan na.
Pero ang hinihintay sa kanya ngayon ay ang follow up sa Darna.
Anyway, bongga rin ang PBB sa online talagang malaking usapan.
