Janice, sumakses kay Song Joong-Ki


Sumakses si Janice de Belen sa matagal na niyang pangarap na makayakap ang Korean actor na si Song Joong-ki.

Common know­ledge na adik na adik si Janice kay Song at pinaka-favorite niya talaga nung nag-umpisa siyang manood ng Korean drama.

Nasa wallpaper pa ng cell phone niya si Song Joong-ki. Sabi niya noon sa aming interview: “Sorry break na kami Lee Min-ho, kay Song Joong-ki na ako. Mas gusto ko siya. K-drama na ang lovelife ko. Kasi lulong ako sa K-drama,” kuwento niya sa isang interview namin.

Sa Descendants of the Sun niya unang napanood ang Korean actor na nagkaroon ng fan meeting noong Sabado ng gabi sa MOA Arena at since then hooked na siya. “Ayoko sana siyang panoorin noon (Descendants…) dahil may mga soldier-soldier. Pero that time my mom just died so medyo sad ako, nakita ko so napanood ko, since then minahal ko na siya,” pagkukuwento pa noon sa amin ni Janice.

Kaya naman wala na raw sa isip niya ang mag-asawa. Mas priority raw niya ang Korean actor. At ito na raw ang ‘asawa’ niya, pagbibiro niya that time. “Parang wala na akong kailangang i-prove. Nagpakasal na ako, failed relationship. Nahiwalay ulit ako. Nagka-relationship ulit ako,” sabi pa niya.

At isa nga si Janice sa pinaligaya ni Song Joong-ki nang magkaroon ito ng fan meeting sa bansa, talagang tinawag si Janice sa stage at binigyan siya ng flowers ni Song sabay luhod.

Kaya naman tunaw si Janice sa kanyang post : “OMG!!!!TONIGHT WAS A SUPER, SUPER AMAZING NIGHT!!! I REALLY DID NOT EXPECT TO BE ON THE SAME STAGE AS MY CRUSH!!! MAY BONUS PANG FLOWERS AT MADAMING YAKAP!!!,” umpisa ng post niya.

“SO TONIGHT WAS MONUMENTAL FOR ME!!! BUTI NA LANG HINDI AKO NAIYAK OR HINIMATAY,” bahagi pa ng post niya kalakip ang collage photos nung hindi niya makakalimutang gabi ng kanyang buhay.

Kaya naman maraming napa-sana-all.