“Let’s choose to be kind,” ang pakiusap ni Mayor Javi Benitez sa naglalabasang kontrobersiya sa kanyang mga magulang.
“Ayoko na sanang magsalita, pero alam kong hindi ko rin ito maiwasan.
“Ang mga totoong nakakaalam ng buong kwento… tahimik lang. Hindi sila nasa balita. Hindi rin sila nagpo-post.
“Ang hiling ko lang: sana magkaintindihan pa rin ang mga magulang ko, bilang magulang namin ni Bettina, at kung maaari pa, bilang mag-asawa rin,” sabi niya na ang tinutukoy na Bettina ay ang kapatid niya sa mga magulang na sina Mayor and elected Congressman Albee Benitez at inang si Nikki.
Dagdag niya pa : “Sana balang araw, makahanap din kami ng tamang pag-ibig. ’Yung hindi nasusukat sa pera, status, o panlabas na imahe… kundi sa respeto, lambing, at tunay na partnership sa buhay,” dagdag pa niya.
“Gusto ko rin pasalamatan ang lahat ng tahimik na nag-abot ng malasakit: sa message, tawag, o kahit simpleng dasal. Salamat. Alam ko, hindi lang kami ang may ganitong sitwasyon pero sana maiayos din sa huli,” dagdag pa niyang pahayag na naging malaking kontrobersiya nang kumalat sa social media ang dokumento ng inihaing reklamo ng kanyang ina na Republic Act 9262, o Violence Against Women and their Children (VAWC) laban sa kanyang amang pulitiko at TV / movie producer.
“Move on na tayo sa chismis, fake news, at paid drama. Ang dami pa nating kailangang ayusin sa bansa. Doon tayo mag-invest ng energy.
“Sa huli, hindi views, likes, o pera ang sukatan ng tao, kundi ang puso,” pagtatapos ng statement ng ex-boyfriend ni Sue Ramirez na nanalo ring congressman sa Third District ng Negros Occidental.
Kumalat na diumano’y almost 21 years nang hiwalay ang mga magulang ni aktor/pulitiko rin at nagkaroon na rin diumano ng dissolution of assets nung 2003 pa ang dating mag-asawa.
Nauna na ring naglabas ng pahayag tungkol dito ang abogado ni Mayor Albee at sinabing “Mayor Benitez remains fully cooperative with all legal processes and is confident that the evidence-financial records, property documents, and testimonies-will disprove these false and vindictive claims.
“We respectfully ask the public and the media to allow the legal system to take its course and to refrain from the unethical practice of sensationalizing this case.”
Samantala, nganga na sa social media ang self-proclaimed influencer na si Christian Gaza.
As of this writing, hindi na mahanap ang account niya sa Facebook.
Sumobra ang pakikisawsaw ng nasabing self-proclaimed influencer sa marital problem ng mga Benitez kaya siguro maraming nagreklamo laban sa kanyang account.
Consistent kasi ito sa pagsawsaw sa mga kontrobersiya sa showbiz at talagang animo’y isang entertainment columnist/writer na ang propesyon.
Lahat ng mga kontrobersiya at isyu, may komento siya.
Medyo hupa na ang kontrobersya sa mga Benitez dahil sabi nga ni Javi na magalang nilang hinihiling sa publiko at sa media na payagan ang legal na sistema na gawin at pigilin ang pagpapalaki nito o pagse-sensationalize ng kaso ng kanilang pamilya.
Samantala, maaalalang sinabi ni Ivana sa isang interview, few weeks ago na “Wala akong sinirang pamilya. Masaya ako sa buhay ko.”
