Jennylyn, may jitters sa pagbalik sa serye


Nagsimula na ang taping ni Jennylyn Mercado para sa seryeng Sanggang Dikit.

Ayon sa Kapuso actress ay talagang nanibago siyang muli sa paggawa ng serye. “Hindi mawawala ‘yung first day jitters. Kasi kapag unang araw, medyo may kaba talaga, tapos natataranta ka. Hindi mo masyado ma-memorize ‘yung linya mo sa umpisa,” nakangiting kwento ng aktres sa 24 Oras.

Ang asawang si Dennis Trillo ang muling makakatrabaho ng aktres sa bagong action-drama series ng Kapuso network. Puspusan ang ginawang preparasyon nina Jennylyn at Dennis upang magawa nang maayos ang kanilang mga maaaksyong eksena. “Siyempe importante ‘yung training para makabisado namin ‘yung paghawak ng baril, tamang poisture, tamang form. ‘Yung mga parts ng baril din importante na kabisado namin,” paliwanag ng Kapuso actress.

Gabbi, ‘di makalimutan ang naranasan sa PBB audition

Simula ngayong Linggo ay mapapanood na ang pinakaaabangang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Isa si Gabbi Garcia sa GMA talents na magiging host ng naturang reality show. Masayang nagbalik-tanaw si Gabbi noong panahong nag-audition sa PBB mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Si Myrtle Sarrosa ang itinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 kung saan nag-audition si Gabbi.

Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktres ang kanyang naranasan noon sa naturang audition upang mabigyan ng pagkakataong makapasok sa pinakasikat na bahay sa bansa.

Hanggang ngayon ay halos hindi pa makapaniwala si Gabbi na mabibigyan ng pagkakataong maging host ng pinakabagong edisyon ng PBB.

(Reports from JCC)