May time limit ang panonood ni Peanut, daughter nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Kuwento ni Jessy sa kanyang post, dapat din ay may katuturan ang pinapanood nito.
Na ngayon aniya ay nahihilig ito sa baking and cooking vlog.
“Minsan nanay, minsan unan.
“When it comes to screen time, we only limit 10-20mins max and definitely only quality content/videos. Lately, she likes watching baking/cooking vlogs,” kabuuan ng post ni Jessy habang ginawa siyang unan ng anak.
Nauna na naming natanong si Luis kung papayagan niya ang anak na mag-showbiz.
“Kung saka-sakali man na gusto niyang subukan ang pag-arte, one, kagaya ng ginawa sa akin ng pamilya ko, studies first. Pero ayoko rin naman na may question siya paglaki niya na… ano kaya ang feeling ng maging isang artista. So, basta kaya niyang sabihin na hindi niya pababayaan ang pag-aaral at kung for example, gawin niya pagkatapos sabihin niya na… hindi ko masyadong gusto maging isang artista, e di at least nasubukan niya,” pahayag that time ni Luis.
Pero performer aniya ang kanilang anak. “Well-performer siya that’s one, kung ano ‘yung boses ko, hindi ko alam kung namana niya o mas maganda pero tuluy-tuloy ‘yung kanta niya. Lahat ng napapanood niya, naririnig niya, kinakanta niya. Ginagamit niya na mic ‘yung mga make-up brush ni Howhow (Jessy) tapos gusto niya pinapanood siya. Nung nasa Hong Kong kami kumakanta siya tapos pagkatapos niya kumanta everybody clapped. Gumaganun sila,” masayang kuwento ni Luis na napapanood na ulit sa Rainbow Rumble.
