Jinkee, inaming magiging lola na!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 15, 2025 | 12:00am

Ayan, namin na ni Jinkee Pacquiao na magiging lola na siya.

Ilang beses na namin itong naisulat – na buntis nga ang girlfriend ng anak nila ni boxing champion Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao.

Sa post kahapon ni Mrs. Pacquiao ay nagsulat si Jinkee ng mensahe para sa kanyang anak dahil sisimulan na raw ng huli ang bagong kabanata ng kanyang buhay – bilang ama.

“The day I became your mother, my world changed instantly. @pacquiao.emmanuel. It marked the start of a new version of myself, one that is tender, tired, and transformed,” ang birthday message nito sa anak.

Hanggang inamin na niya na next month ang apo na niya ang kanyang kakargahin.

“Time flies so fast na ikaw ang karga-karga ko noon sa susunod na buwan ang apo ko naman ang kakargahin ko.

“Grabe, kapaspas gyud sa panahon sunod bulan naa na koy apo. So grateful to God. He is indeed good all the time!” dagdag niyang caption.

Madalas na nilang kasama sa Los Angeles, kung saan may bahay ang mga Pacquiao, ang hindi pa pinapangalanang girlfriend ni Jimuel.

Last July, pagkatapos ng huling laban ni Pacquiao sa Las Vegas – kay Marrio Barrios – ay nag-post si Jinkee ng dinner nila kasama ang pamilya ng girlfriend ng anak.

“Tonight deserves something special. Family dinner time. Cherishing fa­mily moments.” #loveandlaughter #Godisgood,” sabi niya that time.

Matagal nang sa Amerika nakatira si Jimuel para mag-training ng boxing.

Lumalaban na rin siya sa mga undercard fight.