Jodi, advocate rin ang pagsawata sa fake news


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

February 27, 2025 | 12:00am

Bagong-bihis ang channel sa YouTube ni Jodi Sta. Maria, ang JSM.

Isa na ito ngayong platform ng inspiration, positivity, and mea­ningful storytelling.

Pag-amin ni Jodi, more than a decade rin nilang trinabaho ito, 13 years to be exact, na nagkaroon ng media launching last Monday.

Pero nilinaw ni Jodi na hindi siya tuluyang aalis sa show business, dahil mayroon pa siyang ilang ongoing projects at commitments na dapat tuparin.

Gayunpaman, ang kanyang kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ay ang paggawa ng YouTube channel na isang passion project kung saan plano niya munang ilaan ang higit pa sa kanyang oras.

Sinabi pa ng mahusay na aktres na ang JSM channel ay isang entertainment platform na nagha-highlight sa kanyang mga hilig imbes na isang personal document.

“The online channel aims to inspire viewers and spread kindness and positivity through the first three shows we produced. It doesn’t just mean Jodi Sta. Maria; it also means Journey, Stories, and More,” paliwanag niya tungkol sa nilalaman ng kanyang channel.

May tatlong show ito : Ang Live Light ay isang inspirational at informational talk show kung saan tinatalakay ni Jodi, kasama ang mga expert sa pinag-uusapang topic. Inamin niya na ang mga sensitive issue ay hindi maiiwasan, kaya naman nag-imbita siya ng mga professional na magbibigay ng mga expert insight at mga payo.

Meron ding JSM Travel and Tours na tunog travel agency, ngunit ito ay paraan daw ni Jodi para ipagpatuloy ang kanyang hilig sa pagta-travel.

“Usually, we take a piece of a place with us, but this time, I want to leave a piece of my heart there,” katuwiran niya.

Habang ang Let’s Drink to That! ay isang masaya at casual talk show kasama ang mga kaibigan niyang sina AC Soriano at Cheena Crab. Dagdag niya pa, ito ay celebration ng mga kwento ng tagumpay, na naglalayong magbigay ng inspirasyon sa iba na ipaglaban ang kanilang sari­ling mga pangarap.

Bukod sa positivity, advocacy na rin niya na labanan ang fake news at misinformation sa social media.

Na kailangan sa kasalukuyan dahil sa matin­ding pagkakalat ng mga fake news, left and right. ­­“When you have followers and a platform, I just hope that people use these platforms responsibly. You never know whose life is affected by the fake news that spreads,” sabi pa niya na totoo naman.

Naniniwala rin siyang dapat lang talagang alam mo ang priorities at limits, para magampanan ang mga responsibilidad mo sa buhay.

“I can’t do everything—I can’t walk on a tightrope or swallow glass. But kidding aside, I don’t think anyone is perfect or superhuman. It’s about being intentional with what you do because that’s where your energy goes.

“It’s about having the wisdom to know what you want to do, what you can do, and what you cannot do. My passion is an endless pursuit. Along the way, I discover things I never thought I could do. And that’s what we’re trying to showcase on this channel,” pagdidiin niya sa mga aabangan sa kanya.

Cookie ni Rhian, bibida sa Bakery Fair

Confirmed. Bibida ang cookie ni Rhian Ramos sa gagana­ping Bakery Fair 2025 ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na gaganapin sa March 6–8, 2025, World Trade Center Manila.

At fresh na fresh daw ang ipapatikim na cookie ng Kapuso actress.

Itinatag ang kanilang asosasyon ng Filipino-Chinese bakers noong September 1965 na dati palang Filipino-Chinse Bakery and Hopia Factory Association na initiated ng mga top-rated bakery operators sa Sta. Cruz and Quiapo areas.

Pag-aalala nila na binuo ang organization dahil sa pinatutupad noong polisiya na bawal magbenta ng rice products ni dating Manila Mayor AntonioVillegas.

Hanggang dumami ang kanilang mga miyembro at mas lumaki pa ang kanilang samahan at nagkaroon na sila ng workshops and seminars.

At noong 2018 ginanap ang kauna-unahang Bakery Fair outside Metro Manila, sa Davao. And the rest is history.

Open to the public ang Bakery Fair 2025 at inaanyayahan ang lahat upang maranasan ang artistry and passion behind the Philippines’ baking renaissance.

Naghahanda sila ng iba’t ibang baking-related competition, immersive demos, and networking opportunities para sa mga dadalo : The Baker’s Cup kung saan kasali ang top talents vie for glory in categories like Flour Masters: Bread Baking Competition and The Cake Illusion: Hyper-Realistic Cake Art Competition. Meron ding Grand Regal Tiers Wedding Cake Display Competition na ang mananalo ay magwawagi ng P150,000 Grand Prize.