Masayang-masaya si Cong. Richard Gomez na tatlo sa kanilang mga atleta – mula sa Ormoc City ang kuwalipikado para sa Women’s Epee National Team at lalaban sa darating na Southeast Asian Games sa Thailand ngayong Disyembre.
At kabilang sa nasabing team ang nag-iisang anak nila ni Mayor Lucy Torres na si Juliana Gomez.
Isang cum laude graduate si Juliana na may degree sa Public Administration, at kasalukuyan siyang naghahabol sa master’s degree sa UP.
Fencing gold medalist noong 2005 SEA Games si Cong. Goma at suportado nito ang mga ginagawa ni Juliana.
Mayroong Ormoc City Superdome sila kaya naman maraming atleta ang bumibiyahe pa sa Ormoc upang doon magsanay at madalas nagiging venue rin ito ng mga fencing competition.