Julius, kinakarir na ang pagiging intrigero!


Kaloka naman ang nag-viral na ginawang pag-hot seat ni Julius Babao kay KaladKaren o Jervi Wrightson.

Parang medyo insensitive yata ang biglang pagtatanong ni Julius kay KaladKaren tungkol sa kumakalat daw na hiwalayan nito sa mister na foreigner na si Luke Wrightson.

Halatang nabigla si KaladKaren dahil parang bigla lang isiningit sa programa nilang Frontline Pilipinas.

Marami ang nakakapansin na parang madalas umariba ang broadcaster kapag tungkol sa tsismis ang pinag-uusapan?

Mabuti na lang magaling sumegue ang mga kasama niya na sila Cheryl Cosim dahil halata ring hindi pa nga handa si KaladKaren na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nito sa asawa.

Mukhang dapat ibigay na ni Julius ang pang-iintriga sa mga entertainment press dahil nakaka-unprofessional sa gaya niyang journalist kung siya ang magtatanong niyan sa national TV.

‘Kaloka. O kaya naman mag-iba na siya ng linya ng pagbabalita noh.

Ria, matagal nang praktisado sa pagiging ina

Bongga ang appreciation post ni Sylvia Sanchez sa anak na si Ria Atayde.

Simula raw pagkabata nito, tuwing nasa trabaho siya, ang misis na ni Zanjoe Marudo ang nagsisilbing protector at nurturer sa mga kapatid nito.

Noon pa man daw ay na-kay Ria na ang pagiging ina.

Kaya proud daw siya ngayong nakikita niya ito sa magandang chapter ng buhay nito.

Kaya ngayon pa lang kita na ang pagiging mabuting ina nito sa anak na si Sabino at ang ganda raw nito.

Halata nga kay Ria ang saya niya sa pagiging nanay sa panganay nila ni Zanjoe.

Napalaki talaga ni Sylvia ang mga anak nang maayos at isa nga siya sa mga kilala ko na hindi nagbabago ang ugali.

Bongga.