September 2, 2025 | 12:00am
Trending kahapon si Julius Babao.
Ito ay matapos siyang ilaglag ng kontratistang si Sarah Discaya, isa sa mga nangungunang kontratista ng kontrobersyal na flood control projects ng gobyerno, sa kanyang viral interview tungkol sa rags-to-riches story ng kanyang pamilya.
Sinabi na kontratista sa senado na “spliced” ang nag-viral na video.
Ito ay kahit malinaw niyang sinabi na guminhawa ang kanilang buhay nang mag-DPWH sila.
Nilinaw ni Sen. Tito Sotto kung ang ibig sabihin ni Sarah Discaya sa ‘spliced’ ay ‘edited’ ang mga sagot niya sa nasabing interviews.
“I think so, Sir, kasi I did mention that I was doing local government as well as private po.”
Sa totoo lang, umikot ang imbestigasyon sa interview ni Julius dahil pinag-usapan din ang Rolls-Royce na nagkakahalaga ng mahigit P23 milyon na binili raw nito dahil nabighani siya sa payong nito, gaya nung makikita sa panayam ni Julius.
Pero nang tanungin kung gaano karaming mga mamahaling kotse ang kanyang pagmamay-ari, sinabi nito na mayroon siyang 28. Ito ay sumalungat sa mga naunang ulat na mayroon siyang 40 luxury cars kasama sa mga gawa ang Cadillac, GMC, Maybach, Land Rover, at Bentley.
Anyway, wala namang post si Julius sa kanyang pagti-trending kahapon.
