November 18, 2025 | 12:00am
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang guro na magsasaka, na wala ring sawang nagsusulong ng makabagong teknolohiya sa larangan ng agrikultura sa ating bansa.
Ang akin tinutukoy ay si Julius Carl Gerona, Teacher/Farmer na residente ng Magnolia Street, Lores Executive Homes, Antipolo City.
Ayon kay Julius, noong grade 5 siya ay Koi and Goldfish breeder siya sa Cagayan De Oro (CDO).
“We also have eggs production family business,” aniya.
Kalaunan ay ni-recruit si Julius ng UST Baseball Team at nag-aral bilang scholar.
Matapos ang isang taon na maka-graduate ay isinulong ni Julius ang kanyang pan-garap.
“I pursue my dream become a farmer. I enrolled in a short course in UPLB including Hydroponics farming,” sabi ni Julius.
Noong 2017 ay nagsimula na mag-set up ng maliit na garden sa backyard ng kanilang tahanan si Julius.
“Then took some of the subdivision to expand more greenhouse set up due to the demand,” pahayag pa ni Julius.
Ani Julius, sa agriculture ay tuloy-tuloy ang pag-aaral hanggang ma-perfect mo.
“Learn and learn before you earn,” sabi pa ni Julius.
Sa ngayon, si Julius na ang nagbibigay ng regular na monthy seminar online at lagi rin siyang naaanyayahan sa iba’t ibang lugar or organisasyon bilang key note speaker kapag Hydroponics ang pag-uusapan.
Bukod sa pagma-market ng harvest na tanim na gulay, lalo na ang iba’t ibang variety ng lettuce ay gumagawa na o nagko-construct na rin ng greenhouse si Julius at nagbebenta ng iba’t ibang Hydroponics Kit and materials.
Itinatag na rin ni Julius ang grupong Kagulay na ang ibig sabihin ay mga kasama sa pagtatanim ng gulay.
Isa ako sa nabig-yan ng T-shirt na gawa ni Julius na may tatak na Kagulay, Plant, Grow and Eat.
Sa mga nagnanais na maka-avail ng serbisyo ni Julius ay mag-send lang po kayo ng mensahe sa kanyang facebook na J&G’s Backyard Lettuce or mag-text sa kanya sa 09453619837.
Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo rito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ang tungkol sa kanya.
Ngayong Linggo, November 23, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Julius sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po ka-yong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.