Kampo ni Albee Benitez kinontra ang demanda ng misis, ivana hindi magsasalita


Kumalat agad sa social media reklamo ni Mrs. Nikki Benitez ng Violence of Section 5 of Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 laban sa kanyang asawang si Mayor Albee Benitez.

Kilala si Mayor Albee sa showbiz dahil sa mga prinodyus niyang pelikula at TV shows ng kanyang Brightlight Productions.

At mainit na pinag-usapan ang balitang ito dahil sa pagkadawit ng pangalan ni Ivana Alawi.

Inaasahan nang hindi magsasalita si Ivana tungkol dito. Sabi nga niya sa ipinost niya noon tungkol sa pagkaka-link niya kay Mayor Albee; “This will be the first and last time na magsasalita ako tungkol dito.

HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez. I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating and friendly. At hindi lang siya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan.

“I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a politician.”

Sabi nga niya, hindi politiko, kundi isang respetadong businessman ang nakaka-date niya. Pero hanggang sa ngayon ay wala pang naipakilala sa atin si Ivana kung sino ang masuwerteng lalaking ito.

Kaya nga sa statement ng legal counsel ni Mayor Albee Benitez na si Atty. Peter Sanchez, kinuwestiyon nito ang pagkadawit ng ‘third party’ na obvious namang si Ivana ang tinutukoy dahil nakalakip doon sa affidavit ni Mrs. Benitez.

Aniya; “It is equally unsettling that a third party has been unnecessarily dragged into this private matter. The mention of individuals unrelated to the merits of the case only serves to divert attention and inflame public sentiment in the complainant’s favor.”

Nilinaw din sa naturang statement ang confidentiality ng mga napapag-usapan sa kaso.

“Section 44 of R.A. 9262 explicitly mandates the confidentiality of all proceedings and parties involved. The unwarranted disclosure of identities and unverified claims constitutes a clear violation of this provision,” sabi pa doon sa statement.

Inilatag din doon sa statement na matagal na silang hiwalay.

Hindi pa raw kilala si Ivana Alawi ay hiwalay na ang mag-asawa.

Naalala ko pa ang sinabi noon ni Mayor Albee nang nakausap ko siya last year na; “We have not been a couple for several years already. In fact, we have gotten a dissolution in court several years back.”

Pero itinatanggi ito ni Mrs. Benitez nang nakausap ko rin ang kanilang anak na si Mayor Javi Benitez.

Bong at lani, dalawang beses ikinasal sa may columbary

Masaya at tahimik lang na ipinagdiwang ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado ang kanilang 39th wedding anniversary noong Miyerkules.

Ito yung pagpapakasal nila sa Los Angeles, California 39 years ago.

Ang kuwento nga ni Cong. Lani, sa isang mortuary pa raw sila nagpakasal noon na hindi nga raw niya maalala kung bakit doon sila nagpakasal.

Pero natawa si Cong. Lani dahil nung sinilebrayt naman nila ang kanilang silver wedding anniversary, ginawa nila ito sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Pasay City.

Doon lang nila nalaman na columbary na naman ang nasa ibaba nito.

Natawa na lang siya kapag naalala niya iyun, na ang sabi namin, ang ibig sabihin nun ay ‘till death do us part’ talaga ang kanilang pagsasama na mag-asawa.

Sa totoo lang, wala talagang bumibitaw sa kanila kapag may pinagdaraanan.

Kagaya ngayon na talagang nandiyan si Cong. Lani kay Sen. Bong pagkatapos ng mid-term elections.

Alam niyang kailangang nandiyan siya sa tabi ng kanyang asawa na nangangailangan ng karamay dahil hindi pinalad na manalo.

Itong pinagdaanan ni Sen. Bong ay lalo pa raw nagpatibay sa kanilang pagsasama.

Sabi pa ni Cong. Lani nang nakatsikahan namin sa dinner ng kanilang 39th wedding anniversary; “Maraming learnings na natutunan itong experience na ito. Tapos maraming assessments.

“Alam mo naman sa bawat pagsubok lagi kang naka-standby sa mahal mo sa buhay, lagi kang nakaalalay. At iyun ang kailangan ni Sen. Bong ngayon na to keep him company, dapat may kausap, saka kumbaga ay happy lang. Iyun ang mahalaga.”

Hindi naman niya itinatangging na-disappoint siya sa kinalabasan ng election dahil marami naman daw talagang na-achieve sa Senado si Sen. Bong.