October 29, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nais ng last year’s runner-up De La Salle University at University of Sto. Tomas na kumapit sa No. 2 spot ng team standings kaya nasa kukote nila na kaldagin ang kanilang katapat sa second round ng UAAP Season 88 men’s basketball tournament na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.
Magkasalo sa pangatlong puwesto tangan ang tig-5-3 karta, haharapin ng Green Archers ang nangungulelat na University of the East sa alas-4:30 ng hapon habang tatapatan ng Growling Tigers ang mainit na Adamson University sa alas-2 ng hapon.
Sasandalan ng Taft-based squad ang kanilang three-game winning streak upang masilo ang inaasam na panalo pero tiyak na mapapalaban sila dahil uhaw sa panalo ang Red Warriors.
Ipaparada ng Green Archers sina Jacob Cortez, JC Macalalag at Mike Phillips para pangunahan ang opensa.
Para sa Growling Tigers, ibabangga naman nila sina Nigerian center Collins Akowe, Kyle Paranada at Forthsky Padrigao para pigilan ang nag-uumentong Soaring Falcons.
Samanta, nasa tuktok ang National University hawak ang 7-2 card habang solo sa pangalawa ang defending champion University of the Philippines pasan ang 6-3 record.