Kathryn laging nasa safe side, pagiging influential hindi raw bagay!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 15, 2025 | 12:00am

Kabilang si Kathryn Bernardo sa tumanggap ng Most Influential Celebrity Award ng 11th EdukCircle.

Pero imbes na matuwa ang fans sa kanya, may pagka-nega ang na­ging komento ng iba.

Paano raw siya magiging influential samantalang laging safe ang mga post niya at never nagbigay ng stand sa mga controversial issue particular na sa nagaganap na imbestigasyon sa malalang korapsyon sa ating bansa.

Ginagamit lang daw nito ang kanyang platform sa mga endorsement niya at nanatiling nasa safe side ng mga kaganapan sa ating bayan.

“Been a fan of Kathryn for like a decade and this is the first time I will disagree with the award she received. Influential yet didn’t use her voice for what’s needed. You don’t deserve it, Kath,” ayon sa isa niyang fan sa X.

Sinabi nga niya sa kanyang acceptance speech na “Salamat sa mga naniniwala and sana magtulungan tayong lahat, para maging maganda ang kinabukasan ng Pilipinas.”

Hindi na raw umaasa ang netizens na sasagot si Kathryn sa backlash sa kanyang award dahil kilala nga naman itong hindi pumapatol sa mga isyu.

Samantala, totoo kayang ang rason kung bakit may gap sina Kathryn at Alden Richards ay dahil pinaasa niya si Alden?

Ang kuwento, diumano’y ang akala raw ni Alden ay sila na talaga noong nasa Canada sila at nagso-shooting ng box-office movie nilang Hello, Love, Again.

Pero pagbalik daw nila ng bansa, hindi na si Alden kinausap ni Kathryn as if wala lang ‘yun.

Ahhh. ‘Yun nga kaya ‘yun?

Obvious na ang pag-iiwasan nila pero nanatiling tahimik ang dalawa.