Kathryn pinagdiinang single pa; Andrea nanghiram ng alahas kay Heart


“I’m very happy, and yes, still single,” sagot ni Kathryn Bernardo sa tanong ni Gretchen Fullido sa kanyang red carpet interview sa ginanap na ABS-CBN Ball nung isang gabi.

Andaming nag-assume na may pulitikong karelasyon si Kathryn, ang mayor daw ng isang bayan sa Quezon.

Pero klaro na single raw siya at maligaya.

Wala namang chance encounter na naganap sa kanila ng ex na si Daniel Padilla sa nasabing Ball.

Si Daniel ay dumating na kasama ang mga kapwa Incognito actors na sina Richard Gutierrez and Ian Veneracion.

Anyway, hindi naman bet ng ibang netizens ang gown ni Kathryn. Ang simple lang daw.

Tho ang feeling naman ng ibang followers niya, sinadya ito ng actress na hindi masyadong fabulous ang gown like Janine Gutierrez, Nadine, Lustre and Anne Curtis. O maging ni Kim Chiu.

Kahit daw ang hair, parang walang effort na kinulot lang.

At ba’t naman kaya ginawang parang wig ang hair ng young actress Francine Diaz? Parang ipinatong lang na mas bongga siguro kung ginawa na lang natural at inayusan ng maganda.

Ang lala naman ng inabot na panlalait sa suot na gown ng girlfriend ni James Reid na si Issa Pressman na hindi nila maintindihan kung anong concept habang si James ay bet nilang maging Best Male Dressed.

Si Heart Evangelista ay inilagare ang suot na deep blue gown sa ABS-CBN Ball.

Pero ang major chika ay ang Bvlgari necklace niya raw na worth millions ang suot ni Andrea Brillantes.

Nagpasalamat si Andrea sa post na sinagot ni Heart ng “anytime” na may kasamang  puso.

Kaya naman umani si Heart ng daan-daang pasasalamat mula sa fans ni Andrea.

Pero andami namang nang-iintriga, ba’t daw kailangan pang manghiram ni Andrea ng alahas eh tiyak namang may pambili siya.

Super kabogera naman ang grupong BINI na gawa ni Michael Cinco ang gown.

Para naman sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at kanyang partner na si Chloe San Jose, ang pagdalo sa kanilang unang ABS-CBN Ball na magkasama ay isang dream come true.

Sina Dominic Roque at Sue Ramirez ay first time sa malaking event na magkarelasyon na. Pero ang puna ng ibang obser­ver, naging healthy looking si Sue sa kanyang suot na gown at nawalan ng hugis ang katawan.

Ganundin sina Kim Chiu and Paulo Avelino na first time na magkasama sa makinang na ABS-CBN Ball, at naroon din si Ivana Alawi na bakat ang kaseksihan sa pink gown.

Issa Pressman at James Reid

Inabangan nga ang Brighter Together kung saan nagbigay-pugay sila sa mga kwentong sumasalamin sa buhay at pangarap ng mga Pilipino, at nagbibigay ligaya, pag-asa, at inspirasyon sa mga manonood saan man sa mundo.

Bahagi nung kinita sa event ay mapupunta sa mga proyekto ng ABS-CBN Foundation.