Meron palang tinatawag na 5’clock habit ang isang kilalang aktres ayon sa mga nakatrabaho niyang staff.
Pagpatak ng 5 p.m., excuse muna sa work ang aktres. Pupunta sa kanyang tent at suma-shot ng paborito niyang inumin – brandy!
Bumalik naman sa trabaho ang aktres at maayos na nagagawa ang mga eksena mabigat man ito o hindi.
‘Yun nga lang, may cut-off sa oras ng trabaho ang aktres dahil after work, ang habit niyang ito ay ipinagpapatuloy sa isang lugar kasama ang mga kabagang niya!
Kim, binigyan ng medal ng BIR
Honored si Kim Chiu sa recognition na iginawad sa kanya ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa media industry.
Pahayag ni Kim sa kanyang Instagram hawak ang bulaklak na may nakasabit na medal:
“May this award inspire more individuals and businesses to uphold integrity and responsibility in tax compliance.”