Kim, may nire-resolve na family issues?!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

August 13, 2025 | 12:00am

Mahigpit ang yakap ni Kim Chiu kay Direk Lauren Dyogi.

Dumalaw raw ng Cebu si Direk Lauren.

Sa Cebu pala kasi nagti-taping ang The Alibi, kung saan gumaganap ng nakakaintrigang karakter sina Kim at Paulo Avelino na isang romance-suspense serye.

Ang The Alibi ang kasunod na proyekto nina Kim at Paulo pagkatapos ng kanilang matagumpay na mga seryeng Linlang at ang Philippine adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim. Bumida rin sila sa box-office hit movie ng Star Cinema na My Love Will Make You Disappear na ngayong taon ay ito pa lang ang kumikita ng mahigit P100 million.

Anyway, totoo ba na may nire-resolve na fa­mily issues si Kim at ang kanyang mga kapatid sa kasalukuyan?